ELECTION 2022

Rhainie Wayne Real
January 08, 2022



This image has an empty alt attribute; its file name is election-clipart-12.jpg


                                       "Maging Tapat at iboto ang karapat dapat"

Kapag nag-kakaroon ng Eleksyon. Dito nasusubok ang buong sang bayanang Pilipino para pumili o bumuto ng tatayong leader ng bansa. Nagkakaroon din ng kumpentensya ang mga bawa't kandidato at mas umiingay pa ito ng dahil sa kani- kanilang mga taga suporta. Buong sangbayang Pilipino ay ang nag-aabang o naghihintay kung sino ang ang magwawagi o magiging leader ng bansa.

Lahat ng botante ay nahuhusgahan sa panahong ito. Sa kadahilanang lumalabas ang tunay nilang pag katao, dahil nasisilaw sila sa pera ng mga kandidatong nagbabayad. Ginagawa nilang negosyo ang election puro pera nalang ang kanilang pinapairal. Yung iba ay hindi iniisip o pinipili maigi ang kanilang iboboto. Tapos sa bandang huli pag nakaupo na ang mga ito ay bigla silang mag- sisisi sa kanilang ginawang desisyon.

No description available.

Wag tayong makikinig sa sinasabi ng iba na hayaan nalang o manghula nalang kugn sino ang iboboto. Dahil kawawa ang bansa natin kung hahayaan mo nalang kung sino-sino ang uupo o magiging leader sa bansa para mo nalang ibinigay ang sarili mo sa leader na yon. kaya dumadami lalo ang magnanakaw o kurakot sa gobyerno kase hindi niyo pinag-iisipan maigi kung sino ang binboto. Matuto tayo na kilalanin maigi ang pipiliin natin o ang iboboto natin, dahil para rin sa bansa natin ang ating iboboto.

Saating mga botante ang nakasalalay ang boto at kung sino ang mag wawagi. Ang ibang botante ay pinapahalagan nila ang kanilang boto. Ang botante ang mamimili kung sino ang mananalo o tatayong leader ng ating bansa. Ang ibang ibang naman kahit botante na sila ay hindi sila bumuboto, dahil nag-sasawa at nauumay na sila sa paulit-ulit na nangyayare sa bansa sa kadahilanang walang pagbabago o walang pag-usad nito. Kung hindi ka boboto ay parang pinabayaan mo nalang din ang ating bansa at ang mga kapwa mo.

"Ang pagboto ay dapat parang pag-ibig... PRICELESS."

#NoToVoteBuying

Mga Komento

  1. Content and Creativity
    40% of total score- 35

    Voice
    20% of total score- 15

    Text Layout, Use of Graphics and Multimedia
    20% of total score- 17

    Timeliness and Tags
    10% of total score- 10

    Citations
    5% of total score- 5

    Quality of Writing and Proofreading
    5% of total score- 5
    TOTAL- 87

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito